robtex
   
  The Official Homepage
  Home
 

 
 

Clan History:


Paano nga ba nagumpisa ang “BUSABOS CLAN”?  Aba! Eh wala hong kinalaman ang sinumang busabos dito… si E double D po ang me sala at tanging sya lamang -  PROMISE ala pong kasalanan ang iba… mga damay lang po sila

Actually, si EDD GUERRERO po ang lumikha ng room na  OFW-129 a.k.a. BARONG-BARONG ng mga BUSABOS… dala ng kaburyungan sa gitnang silangan kung tama ang pagkakatanda ko dalawang taon na ang nakakaraan. Sabay na sabay ng paguumpisa niyang magtrabaho bilang alila ng mga arabo.

Mabilis naman po niyang napalago ang tao sa ofw-129 pero wala pa ang busabos noon. Nag-umpisa po siya bilang isang mayaman  mayaman sa dami ng myembro sa itinatag niyang room.

Ang mabilis na pagdami ng miyembro ng ofw-129 ang sya ring naging dahilan kung bakit nagumpisa ang gulo sa CHAT LIFE ni Edd. Mga pinoy talaga hirap espelengin… bakit kanyo? Kainggitan ba naman ang isang tulad ni Edd Guerrero na dating tambay sa pinas…kakatawa di ba? Pero totoo yun  sa mabilis niyang pagpapalago at pagpapasaya sa room nagumpisa siyang kainggitan lalo na ng mga hunghang na BOBOoters na nagkalat sa chat world…

Dito nagumpisa ang istorya ng BUSABOS… hala! Di pa pala naumpisahan ang kwento hekhekhek dami na nasulat wala pa pala ang tunay na kwento…

Ituloy ang kwentong walang kwenta… isang araw hanep parang kwentong pambata… yun na nga wag na magulo… isang araw dinapulpol ng mga bobooters ang room…kinainggitan na eh… kagulo… di masaway ang mga hari ng kamangmangan… ginawang battle ground ang mansyon ni Edd… barilan… hagisan ng mga yabang… hubaran ng ugali… pataasan ng ihi… murahan… name the style of battling, the room had it that day…

Para maiiwas ang mga myembro niyang walang muwang at walang laban sa gulong nangyayari sa kanyang mansyon ipinasya ni Edd Guerrero na pansamanatalang magpahinga ang tao ng ofw-129 sa kanyang resthouse lalo na’t nakatambay sa mansyon ang mga asungot… bumili si Guerrero ng resthouse na pwedeng tambayan panandalian… mayaman pa sya nun eh

Habang naglulunoy sa sarap ang mga taga 129 sa kanilang rest house nagpalabas ng memorandum ang padre de pamilya… sabi nia “yung mga gusto magsuot ng Guerrero sa kanilang SN ganito ang format – GuerreroClan_EdoubleD” … eh di suutan ang mga myembrong uto-uto

Mantakin mo naging isyu ang “GuerreroClan” thing na yan… sabi ng ibang myembro na matagal na bakit daw nagbihis yung mga bago ng ganun samanatalang nauna pa sila… Aba! Anong problema eh di magbihis din kayo…kasimple hehehe

Pero, mind you… di naging ganun kasimple ang lahat… nagkatampuhan, nagkairingan, nagkasamaan ng loob  sa madaling salita nagkalabasan ng kulay… humiwalay ngaun ang puti sa
de kolor…

Dito na nagumpisa ang kasaklap-saklap na kapalaran ni Edd Guerrero… naghanap ng ibang bahay na matutuluyan ang mga tampuristang myembro… Aba! nakakita nman agad… to make the story short… naghakot ng gamit ang mga myembrong nagtampo… dinala lahat… sahig, dingding, bubong ng bahay, ref, kama, sofa, name it  they took it  hinakot nila lahat pati mga basahan… ang kawawang Guerrero naiwan sa dati niyang mansyon na mistulang kalansay… ubos ang yaman…


Dito na isinuot ni Edd ang kanyang…KAHIT_AKO’Y_BUSABOS na SN… ang umpisa ng BUSABOS CLAN!... dito niya rin inumpisahang buuing muli ang kanyang bahay mula sa lata ng sardinas, lumang dyaryo, sako ng arina, karton na pinulot, patpat mula sa mga patay na puno… at mga basurahang pwedeng pakinabangan… kasama ng mga TAPAT niyang KAIBIGAN na di sya iniwan sa gitna ng laban muli niyang pinasigla ang OFW-129 known since then as BARONG BARONG ng mga BUSABOS!

Sa ngaun, bukod sa mga dating myembro na nanatili sa tabi ni Edd, marami pang ibang naloko para sumama at makitira sa BARONG-BARONG… at marami pang maloloko… marami pang magpapaloko… marami pang makikitira… marami pang magpapaampon… marami pang darating… at marami pang mangangarap na maging isang BUSABOS!

Ang mahalaga… natutunan sa istoryang ito na BUSABOS man kung GININTUAN ang PUSO mananatiling nakatayo at taas noo pagtapos ng unos!

WELCOME to OFW-129…BARONG-BARONG ng mga BUSABOS!
 
 
  Today, there have been 84 visitors (374 hits) on this page!  
 
Copyright © 2008-2009 Busabos Clan. All rights reserved. Philippine Patent No. 7,069,308, 7,117,254 & 7,188,153
This website was created for free with Own-Free-Website.com. Would you also like to have your own website?
Sign up for free